2:04 AM

the battle begins: Gerald vs. Aljur

Posted by ram agentorange

PINAGSASABONG ngayon sina Gerald Anderson at Aljur Abrenica sa Pinoy thread sa internet. Kanya-kanyang depensa ang mga fans ng dalawang actor to the point na nagtatarayan na!

Ayon sa mga fans, silang dalawa ang dapat na pagtapatin komo nga magkasing-built sila, edad at kapwa guwapo. Siyempre, umaangal ang fans ni Ge­rald dahil mas senior ito kay Aljur. Marami nang pruweba sa TV at sa pelikula. Eh si Aljur, nagbida lang sa Dapat Ka Bang Mahalin? at sa ilalabas na All My Life.

Sa mga fans naman ni Aljur, marami na rin daw itong nagawang series at may solo movie na ang loveteam nila ni Kris Bernal sa Regal at si Maryo delos Reyes pa ang director.

Sa totoo lang, maga­ling din ang fans ni Aljur na kumuha ng katapat ng kanilang idolo, huh! Bakit nga naman sila kukuha ng struggling actor na kalaban ng kanilang idolo?

Aba, mas masaya ‘yung sa may achievements na artista ang ipantapat nila sa kanilang idolo,

0 comments:

Post a Comment